‘Holy Door’ isinara na ni Pope Francis bilang hudyat ng pagtatapos ng ‘Holy Year of Mercy’
Isinara na ni Pope Francis ang Holy Door ng St. Peter’s Basilica sa Vatican City bilang hudyat ng pagtatapos ng Holy Year of Mercy.
Idineklara ito ni Pope Francis para bigyang diin ang pangangailangan ng pagkakasundo at pagpapatawad sa buong mundo.
Sa kabila ng pagsasara ng Holy Door, hinimok naman ni Pope Francis ang mga tao na manatiling bukas sa pakikipagayos at pagpapatawad sa mga naka-hidwaan.
Sa kaniyang homily kahapon, umapela rin ang Santo Papa sa mga tao na alamin ang paraan kung paano malalampasan ang kasamaan at hindi pagkakaunawaan, upang mabuksan ang lahat ng daan patungo sa pag-asa.
Noong isang araw naman ay ipinahayag ng Santo papa ang kaniyang kalungkutan sa pamamayagpag ng karahasan sa mundo dulot ng hidwaan sa paniniwala at lahi.
Nagsimula ang Holy Year of Mercy noong December 8, 2015, na dahilan ng pagdagsa ng nasa 20 milyong pilgrims sa Rome, kung saan dumadaan sila sa Holy Door sa Vatican at sa iba pang basilica sa Rome.
Dahil dito, mananatiling sarado ang Holy Door hanggang sa muling magdeklara ang Simbahang Katolika ng Holy Year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.