Dating LA Clippers owner Donald Sterling, nagsampa ng diborsyo laban sa asawa

August 06, 2015 - 07:35 AM

Donald And Shelly
AP file photo

Nagsampa ng divorce laban sa kaniyang asawa ang dating may-ari ng NBA team na Los Angeles Clippers na si Donald Sterling.

Ayon kay Bobby Samini, abogado ni Sterling, inihain ang divorce papers sa Los Angeles County Superior Court halos dalawang linggo bago ang 60th anniversary ni Sterling at kaniyang misis na si Shelly.

Isa sa mga isyung binanggit ng kampo ni Sterling ang pagpayag umano ni Shelly na maibenta ang LA Clippers sa halagang $2 billion.

Nakipagkasundo si Shelly kay dating Microsoft Chief Executive Officer (CEO) Steve Ballmer para sa pagbebenta ng team, matapos lumabas sa pagsusuri ng mga eksperto na si Donald Sterling ay ‘incompetent’ na para mamuno o humawak ng isang negosyo.

Nagsampa na noon ng demanda sa korte si Donald Sterling laban kay Shelly matapos siyang alisan ng karapatan sa kanilang mga negosyo lalo na sa pagmamay-ari ng Clippers.

Pero sa desisyon ng LA Superior Court, sinabi nitong hindi nagkaroon ng pagkakamali sa panig ni Shelly nang alisin ang mister bilang trustee at hindi ito isama sa negosasyon sa pagbebenta ng NBA team.

Si Sterling ay nauna nang naging kontrobersiyal dahil sa ‘racist’ comments nito sa mga Black American. / Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: donald sterling and wife shelly, Donald Sterling seeks divorce from estranged wife, donald sterling and wife shelly, Donald Sterling seeks divorce from estranged wife

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.