Dahilan ng pagpapakamatay ni ERC Director Villa, sisilipin ng ahensya

 

Iimbestigahan na ng Department of Energy o DOE ang pagkasawi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Director for Planning and Information Service Francisco Villa Jr., na nag-suicide noong November 9 dahil umano sa katiwalian sa ahensya.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nakausap na niya ang mga commissioner ng ERC na pawang hangad din na masiyasat ang nangyari kay Villa.

Sinabi ng opisyal na isang hamon ang kamatayan ni Villa para sa kanilang ahensya, pero makatitiyak umano ang lahat ng patas na imbestigasyon upang mailabas ang katotohanan.

Sinigurado rin niya na makaka-rekober ang mga tauhan ng ERC matapos ang pagkamatay ng kanilang kasamahang si Villa.

Sinabi pa ni Cusi na tiniyak niya sa mga taga-ERC ang suporta, partikular sa mandatong protektahan ang mga konsumer ng kuryente.

Batay sa pamilya, may tatlong suicide notes si Villa kung saan nabanggit nito na pinilit siyang lumagda sa mga kontrata mula sa bids and awards committee ng isang Luis Morelos, na pinili raw ni ERC Chairman Jose Vicente Salazar sa kwestiyonableng selection process.

Dagdag ng yumaong ERC director, ang naturang kontrata ay maaaring hindi pahintulutan ng Commission on Audit.

Sa pangatlong suicide note, idinetalye ni Villa ang paraan kung paano siya magpapa-tiwakal, hanggang noong November 9 ay kinitil na niya ang sariling buhay.

Read more...