Ito ang naging pahayag ng kilalang film producer na si Mother Lily Monteverde kaugnay sa naging resulta ng selection process para sa mga pelikulang pasok sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Paliwanag ni Mother Lily, hindi siya nalulungkot dahil bigong mapili ng MMFF selection committee ang film entry ng Regal Films na “Mano Po: 7.”
Aniya, ang Pasko ay para sa mga bata kung saan masisiyahan sana ang mga ito sa mga pelikulang kinabibilangan nina Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin at iba pa.
Nilinaw naman ni Mother Lily na hindi siya tutol sa mga independent film.
Subalit nagkataon lamang na hindi pang-indie viewers ang mga pelikulang napasama sa film festival.
Samantala, isang bilyong piso ang target income ng MMFF committee ngayong taon, sa kabila ng pagbabago sa linya ng mga pelikulang tampok sa festival.