91 katao, patay sa pagkadiskaril ng tren sa India
UPDATE: Umakyat na sa siyamnapu’t isang indibidwal ang namatay makaraang madiskaril ang isang express train sa bahagi ng Pukhrayan sa Uttar Pradesh, sa northern India.
Batay sa impormasyon, labing apat na coaches ng Indore-Patna express ang nadiskaril.
Maraming bangkay ang narekober sa wreckage ng tren, at inaasahang na tataas pa ang bilang ng fatalities.
Nasa isang daan at limampung katao naman ang sugatan na dinala sa iba’t ibang pagamutan.
May mga relief teams ang sumugod sa site, habang nagpapatuloy ang rescue operations.
Tinutukoy pa ng mga otoridad ang rason ng pagka-diskaril ng tren.
Aagad namang ini-utos ni Indian Minister for Railways Suresh Prabhu ang malalimang imbestigasyon, upang malaman kung sino ang responsable sa aksidente.
Ang Kanpur ang ikalaw sa pinakamalaking industrial city sa India.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.