Sa pagsusuri nito sa self-shot photographs na patok na patok sa mga kabataang social media users, ang kalahating milyong residente ng Makati City ang nakagawa ng mas maraming selfies kumpara sa mga residente ng ibang mga siyudad.
Base pa sa TIME magazine, mayroong 258 selfie-takers sa kada isang daang libong tao sa Makati City, kaya malinaw na ‘selfiest city’ ito sa buong mundo.
Ang TIME magazine ay gumawa pa ng database para sa mahigit apatnaraang libong Instagram photos na may hashtag na ‘selfie’, at may geographic coordinates na 459 na mga siyudad.
Pasok din sa Top 10 selfiest city ang Cebu City, na nasa ika-siyam na pwesto at mayroong 99 selfie-takers sa kada isang daang libong katao.
Narito ang listahan ng Top 10 selfiest city sa buong mundo:
1. Makati City
2. Manhattan, New York
3. Miami, Florida
4. Anaheim at Santa Ana, California
5. Petaling Jaya, Malaysia
6. Tel Aviv, Israel
7. Manchester, England
8. Milan, Italy
9. Cebu City, Philippines
10. George Town, Malaysia