Duterte at Putin, nagpulong na

By Isa Avendaño-Umali November 20, 2016 - 08:23 AM

Kuha ni DJ Yap ng Philippine Daily Inquirer

Nakaharap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang iniidolo na si Russian President Vladimir Putin, sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting sa Peru.

Sa naturang pulong, inimbitahan na rin ni Putin si Duterte na bumisita sa Russia.

Mistulang nagsumbong si Duterte kay Putin, at inihiyag pa ng Presidente ng Pilipinas sa pinuno ng Russia ang kawalan ng tiwala sa Amerika, ‘hypocrisy’ at pakikialam umano ng ‘West’ para sa sarili nilang interes.

Partikular na inireklamo ni Duterte ang umano’y pambubully ng mga bansa sa West, at kung papaano nila tinatrato ang mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

Inihalimbawa ni Duterte ang mga giyera sa Korean Peninsula, Iraq at Afghanistan.

Dagdag ni Duterte, pinilit din aniya ang mga sundalong Pilipino na makibahagi ang mga giyera, tulad ng sa Middle East.

Ang pulong ng dalawang lider ay naganap alas-dose ng Sabado sa Peru o ala-una ng madaling araw sa Pilipinas.

Naging mahigpit ang seguridad sa hotel room kung saan nangyari ang pulong, habang pinayagan ang media na mag-cover sa loob ng sampung minuto.

Mula’t sapul ay hayagang sinasabi ni Duterte ang kanyang paghanga kay Putin, at pagiging bukas na makipagtulungan sa leadership ng Russia maging sa China.

 

TAGS: APEC leaders' meeting, Rodrigo Duterte, Russian President Vladimir Putin, APEC leaders' meeting, Rodrigo Duterte, Russian President Vladimir Putin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.