Manunulat, handang ipakita kay Duterte ang mga libro at pelikulang tungkol sa Martial Law

By Rod Lagusad November 20, 2016 - 04:41 AM

ferdinand-marcosHandang ipakita ng manunulat na si Ma. Ceres P. Doyo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga libro at mga pelikula tungkol sa Martial Law para umano makatulong na malaman nito na nag-e-exist ang mga ito.

Ayon kay Doyo daan-daan ang alam niyang mga literary works patungkol sa Martial Law.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Duterte noong Biyernes kung saan kanyang sinabi na walang pag-aaral o pelikula ang tungkol sa batas militar at pawang mga alegasyon lang mula sa kabilang panig na kung saan hindi sapat.

Sinabi ni Doyo, na isang ring social activist na regular na nagsusulat para sa Philippine Daily Inquirer na meron siyang listahan na aabot sa mahigit 200 libro na kanyang maaring ilagay sa isang website dahil napakarami ang naisulat tungkol sa kalupitan at paniniil ng diktaduryang Marcos.

Dagdag pa ni Doyo na bakit masasabi ng pangulo na walang pelikula patungkol sa batas militar.

Ilan sa kanyang inihalimbawa ay ang mga plekulang ‘Kapit sa Patalim,’ ‘Sister Stella L,’ at ‘Dekada 70’.

 

 

TAGS: Ma. Ceres P. Doyo, Martial Law, Rodrigo Duterte, Ma. Ceres P. Doyo, Martial Law, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.