Kwalipikasyon ni Kerwin Espinosa bilang state witness, kinuwestiyon

By Rod Lagusad November 20, 2016 - 04:39 AM

kerwin-espinosa1-620x488Kinuwestiyon nina Senator Koko Pimentel at Francis Escudero ang kwalipikasyon ni Kerwin Espinosa na maging state witness kasabay ng kahandaan nito na pangalanan ang mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade.

Ayon kay Pimentel na kung si Espinosa ang mastermind at ulo ng organisasyon ay ito ang maituturing na pinaka-guilty.

Dagdag pa ni Pimentel na kung nagbebenepisyo siya mula dito ay siya ang “most guilty” at dapat na ikulong.

Igiinit pa ni Pimentel, na hindi matatakasan ni Espinosa ang prosekyusiyon sa ilalim ng batas maliban na lang magpapangalan siya ng “bigger fish” maliban sa kanya.

Sang-ayon naman si Escudero kay Pimentel na paano maikukunsidera na state witness si Espinosa kung ito ang ulo ng mismong sindikato.

Inaasahan naman si Espinosa na dadalo ito sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pagkamay ng kanyang ama na si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr, na sinasabing napatay matapos manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng search operation sa kanyang kukungan sa Baybay City.

TAGS: drugs, Francis Escudero, illegal drug trade, kerwin espinosa, Koko Pimentel, Rolando Espinosa Sr, drugs, Francis Escudero, illegal drug trade, kerwin espinosa, Koko Pimentel, Rolando Espinosa Sr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.