Taylor Swift Experience exhibit, nasa New York na

By Rod Lagusad November 20, 2016 - 04:16 AM

Taylor-SwiftDumating na sa New York ang Taylor Swift Experience para sa tatlong buwan na exhibit matapos magbukas ito sa Grammy Museum sa Los Angeles noong 2014.

Si Swift ay 26 taong gulang pa lang pero sa loob ng kanyang 10 taong karera ay nanalo na siya ng ilang beses sa Grammy Awards at isa sa may pinakamataas na earnings kumpara sa ibang mga celebrities ay meron ng sariling exhibit.

Tampok sa naturang exhibition ng country-turned-pop singer na si Swift ay  ang kanya mismong handwritten lyrics, piano, ilan sa kanyang 10 Grammy statuettes, ang kanyang baby clothes at show costumes.

Ayon kay Grammy Museum curator Nwaka Onwusa na ang nasabing ehibit ay mismong kwento ni Swift at ang pagiging modern superstar nito.

Nagsimula ang karera ni Swift sa Nashville at ngayon isang world’s top earning celebrity ng taong 2016 base sa Forbes na may kinitang $170 million.

 

 

TAGS: Grammy Awards, Grammy Museum, Nashville, New York, Taylor Swift, Taylor Swift Experience, Grammy Awards, Grammy Museum, Nashville, New York, Taylor Swift, Taylor Swift Experience

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.