Mahigit 30 katao ang patay matapos ang matinding sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at ng mga loyalist ng lungsod ng Taez sa Yemen ayon sa mga military at medical sources.
Ang naturang sagupaan ay tuluyan ng nag-alis sa pag-asa na susundin ng dalawang panig ang tigil putukan na inanunsyo ni US Secretary of State John Kerry na dapat na nagimula ipatupad noong Huwebes.
Ayon sa Loyalist military sources na nasa 24na mga rebelde at 14 na pro-government forces ang napatay sa loob lang ng 24 oras habang ayon naman sa mga rebelde ay marami ang mga napatay sa pag-atake sa isang local market.
Dalawang sibilyan ang napatay rin habang 16 ang sugatan ng magpaptuok ng Katyusha rockets ang mga rebelled sa isang residential area.
Isang photographer na kinilalang si Awab al-Zubairi rin ang namatay dahil sa landmine na planted ng mga rebelde ang sumabog sa Taez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.