Misis ni dating VP Doy Laurel pabor sa hero’s burial kay Marcos

By Den Macaranas November 19, 2016 - 08:30 PM

Doy Laurel
Inquirer file photo

Sa bihirang pagkakataon ay nagsalita ng kanyang mga pananaw kaugnay sa pulitika si Ginang Celia Diaz Laurel, ang asawa ni dating Vice President Salvador “Doy” Laurel.

Sinabi ni Laurel na tama lamang na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa panayam, sinabi ni Laurel na hindi maitatanggi na malaki ang nagawa ni Marcos sa bansa na pinakikinabangan ngayon ng mga Pinoy.

Pero nilinaw ng ginang na ang kanyang pahayag ukol sa hero’s burial kay Marcos ay sarili niyang pananaw at hindi para sa pamilya Laurel.

Sa mga huling araw sa pwesto ni dating Pangulong  Marcos ay nagtangka sanang tumakbo bilang pangulo si dating Vice President Laurel pero nagbigay daan ito sa kandidatura ni dating Pangulong Cory Aquino.

Natapat kahapon ang libing ni Marcos sa ika-88 taong kaarawan ni dating VP Laurel.

TAGS: celia laurel, doy laurel, heor's burial, lnmb, Marcos, celia laurel, doy laurel, heor's burial, lnmb, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.