Gobyerno magtatayo ng seaport sa West Philippine Sea

By Den Macaranas November 19, 2016 - 07:17 PM

kalayaan
Inquirer file photo

Ibinunyag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na magtatayo ang pamahalaan ng P450 Million seaport project sa Pag-asa Island, sa lalawigan ng Palawan.

Ang nasabing pondo ay nakapaloob na sa 2017 proposed national budget ayon kay Pimentel na kasapi ng House Committee on Appropriations.

Ang itatayong pier ay naglalayong palakasin ang daloy ng negosyo sa Palawan at patatagin ang posisyon ng bansa sa mga pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea ayon pa sa mambabatas.

Ang naturang proyekto ay nauna nang ipinanukala ng Department of Transportation na nakapaloob kanilang P3.9 Billion spending program sa maritime sector para sa taong 2017.

Bukod sa seaport, magtatayo rin sa lugar ng research center ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ang Philippine Marine Science ng University of the Philippines.

Kasama rin sa plano ang pagtatayo ng Department of Energy ng 75-kilovolt-amp generator set para sa suplay ng kuryente sa kabuuan ng 37.2 ektaryang isla.

Taong 1978 ng pagtibayin ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pagtatayo ng Pag-asa Municipality sa pamamagitan ng isang Presidential Decree.

Mula sa dating maliit na naval base ay marami ng mga sibilyan ang naninirahan sa naturang lugar na isa sa itinuturing na pinakamalaking isla sa Spratlys.

TAGS: dotr, Kalayaan, Pag-asa, Palawan, Pimentel, seaport, wet philippine sea, dotr, Kalayaan, Pag-asa, Palawan, Pimentel, seaport, wet philippine sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.