Malaysia PM Najib Razak pinabababa sa pwesto dahil sa katiwalian

Najib rally
Inquirer file photo

Libu-libong mga demonstrador ang nagsasagawa ngayon ng kilos-protesta sa  Kuala Lumpur, Malaysia para hingin ang pagbaba sa pwesto ni Prime Minister Najib Razak.

May kaugnayan ito sa umano’y pagkakamal ni Najib ng ill-gotten wealth mula nang manungkulan siya bilang prime minister ng nasabing bansa.

Pinangungunahan ng pro-democracy group na Bersih ang naturang pagkilos.

Kahapon ay inaresto ng mga otoridad ang ilang lider ng oposisyon dahil sa umano’y pamumuno sa mga hindi otorisadong protesta.

Iniulat ng state-owned news agency na Bernama na nag-deploy na rin ang pulisya ng 7,000 dagdag na mga tauhan sa Kuala Lumpur.

Layunin nito na maiwasan ang gulo sa pagitan ng Bersih at ng mga tagasuporta ni Najib na Red Shirts.

Si Najib ay kasalukuyang nasa Peru para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit kasama ang ilang world leadrers.

Read more...