Mga sangkot sa droga pinangalanan na ni Kerwin Espinosa
Tinukoy na ni Kerwin Espinosa ang mga opisyal ng gobyerno na nakinabang sa operasyon ng iligal na droga.
Kinumpirma ito ng abogado ni Espinosa sa isang panayam isang araw mula nang dumating ang sinasabing drug lord ng Eastern Visayas mula sa Abu Dhabi.
Ayon kay Atty. Leilani Villarino, ang mga pangalan ay naka-saad sa affidavit ng kanyang kliyente.
Sinabi pa ni Villarino na sinaksihan niya ang buong proseso ng pagkuha ng salaysay ni Kerwin.
Para matiyak din na hindi pinilit si Kerwin, kinukuhanan ito ng video ng Anti-Illegal Drugs Group ng PNP.
Nakasaad sa affidavit ang mga opisyal ng gobyerno at mga pulis na sangkot sa operasyon ng bawal na gamot.
Inaasahan naman na ngayong araw ay matatapos na ng batang Espinosa ang kanyang affidavit.
Kinumpirma din ni Atty. Villarino na inimbitahan na si Kerwin sa pagdinig ng senado kaugnay ng pagkamatay ng kanyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa Baybay City sub-provincial jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.