Meeting ni Duterte sa pangulo ng Russia at China tuloy na mamaya

By Den Macaranas November 19, 2016 - 11:36 AM

duterte-putin-jinping-ap-0928
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Malacañang na tuloy mamaya ang bilateral meetings ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin sa Lima, Peru.

Sa advisory ng Malacañang, makakapulong ni Duterte si Chinese leader Xi Jinping alas-onse ng umaga oras sa Peru o alas-dose ng hatinggabi oras naman sa Pilipinas.

Susundan naman ito ng pulong nina Duterte at Putin sa ganap na 12:45AM oras sa Peru.

Gaganapin ang pocket meetings habang nagpapatuloy ang Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa nasabing bansa.

Mamayang hapon ay pupunta na ang pangulo sa Lima Convention Centre para sa APEC Leaders’ arrival ceremony na dadaluhan rin ng 21 Leaders at 63 CEO ng iba’t ibang mga international firm.

Nauna nang sinabi ni Duterte na kakausapin niya ang ilang mga business leaders para alukin ng negosyo sa bansa.

TAGS: duterte, Putin, Xi Jinping, duterte, Putin, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.