Ito ay matapos na tambangan ng hindi pa natutukoy na salarin ang biktimang si Oyet Blanco sa tapat ng bahay nito sa Lim An St., Brgy. 2, Zone 1, Pasay City, na ayon sa Pasay police ay posibleng may kinalaman sa droga ang pamamaslang.
Ayon kay Kap. Dan Feliciano kasusuko lamang sa oplan tokhang ang napatay na biktima.
Sinabi pa ni Kap. Feliciano na ginaganit umano ng biktima ang kanyang bahay bilang drug den.
Sa inisyal na imbestigasyon tatlong putok ng baril ang narinig ng mga kapitbahay ng biktima, at paglabas nila nakita na nilang nakadapa si Blanco sa tapat ng imahen ng Sto. Niño at wala nang buhay.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng SOCO pero nagkalat ang basyo ng bala ng baril sa lugar.