10 miyembro ng ASG, 4 na sundalo, patay sa sagupaan sa Sulu

By Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor, Rod Lagusad November 18, 2016 - 07:43 PM

patikul-mapMatinding sagupaan ang naganap sa pagitan ng 35th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Sulu at ng Abu Sayyaf Group (ASG) dahil sa mas pinaigting na opensiba ng military laban sa bandidong grupo.

Naka-engkwentro ng tropa mula sa 35th Infantry Batallion na pinangungunahan ni Maj. Saddama ang humigit-kumulang 150 miyembro ng ASG na pinamumunuan ni ASG Leader Radullan Sahiron sa Sitio Dyundangan, Brgy Buhanginan, Patikul, Sulu.

Tumagal ang palitan ng putok ng halos 45-minuto na nagresulta sa pag-atras ng ASG.

Apat naman ang napatay sa panig ng militar at sampu pang sundalo ang sugatan.

Sa panig naman ng ASG ay nasa sampu ang napatay habang hindi pa tiyak ang bilang ng mga sugatan base sa ground units at intelligence reports.

Kaugnay nito, nagsagawa ng indirect fire support ang 105mm Howitzers habang ang ibang units ay nagsagawa naman ng pursuit and blocking operations.

Ang Joint Task Force Sulu ay naglunsad ng Casualty Evacuation (CASEVAC) at inatasan ang S76 air ambulance ng CASEVAC mula sa Sulu patungong Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Inutusan naman lahat ng units na magsagawa ng checkpoints sa kanilang mga lugar.

Sa kabila ng pagkakaron ng casualties ay ipagpapatuloy ng militar ang combat operations laban sa ASG, mailigtas ang mga kidnap victims at matigil ang terror attacks na gawa ng naturang bandidong grupo sa lalawigan ng Sulu at sa iba pang mga probinsya.

 

TAGS: ASG, military operations, Patikul Sulu, ASG, military operations, Patikul Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.