8,000 tickets para sa concert ng Coldplay, sold-out sa pre-selling sa loob lang ng anim na minuto

By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2016 - 04:04 PM

COLDPLAYAnim na minuto lamang at agad naubos ang walong libong tickets na bahagi ng pre-selling para sa concert ng bandang Coldplay.

Alas 9:00 ng umaga nang simulan ng Globe ang kanilang pre-sale at alas 9:06 ng umaga ay nabenta lahat ng walong libong tickets.

Ang pre-selling ng Globe ay ginawang available para sa kanilang subscribers lung saan an gang bawat mobile number ay maaring maka-avail ng dalawang tickets.

Makukuha ng mga nakapagpa-reserve kaninang umaga ang kanilang tickets sa November 20 sa SM tickets outlet.

Ayon sa Globe, sa susunod na mga araw magiging available na muli ang tickets para sa nasabing concert.

Narito ang halaga ng tickets ayon sa promoter ng concert na Music Management International (MMI):

P22,500 – VIP
P17,500 – Platinum
P12,500 – Gold
P7,500 – Silver
P3,500 – Bronze
P1,800 – General admission

 

TAGS: Coldplay, concert, Tickets, Coldplay, concert, Tickets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.