8 pelikula na pasok sa MMFF, inanunsyo na; mga pelikula mula sa malalaking production outfit, bigo
Inanunsyo na ng mga bumubuo ng Metro Manila Film Festival ang walong pelikula na opisyal na nakapasok sa Film Fest ngayong taon.
Maraming nakapansin na karamihan sa mga nakapasok ay pawang maituturing na Indie Film, pero una nang sinabi ng MMFF organizers na wala nang ita-tratong Indie ngayong 42nd MMFF at sa halip ay ituturing lahat na main stream.
Wala ding nakapasok na pelikula na produce ng malalaking production outfit, at kabilang sa hindi napili ay ang pelikula ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and the Abangers, Super Parental Guardians ni Vice Ganda at Mano Po 7: Chinoy.
Narito ang listahan ng walong pelikula na opisyal na kalahok sa MMFF:
DIE BEAUTIFUL directed by Jun Robles Lana, starring Paolo Ballesteros
KABISERA directed by Arturo San Agustin and Real Florido, starring Nora Aunor, Ricky Davao, JC De Vera
SAVING SALLY directed by Avid Liongoren starring Rhian Ramos and Enzo Marcos
SEKLUSYON directed by Erik Matti, starring Rhed Bustamante, Phoebe Walker, Elora Espano, Neil Ryan Sese, Ronnie Alonte
SUNDAY BEAUTY QUEEN directed by Baby Ruth Villarama, starring Hazel Perdid, Maylyn Jacobo, Cherry Bretania, & Leo Selomenio
ORO directed by Alvin Yapan, starring Irma Adlawan, Mercedes Cabral, and Joem Bascom
VINCE & KATH & JAMES directed by Ted Boborol, starring Julia Barretto, Joshua Garcia, and Ronnie Alonte
ANG BABAE SA SEPTIC TANK 2: FOREVER IS NOT ENOUGH directed by Marlon Rivera, starring Eugene Domingo and Chris Martinez
Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson ng University of the Philippines Film Institute at pinuno ng selection committee ng MMFF, hindi naging factor kung kikita baa ng pelikula, at sa halip ay kalidad ang naging pangunahing pamantayan sa pagpili.
Aniya, ang walong pelikulang napili ay lumabas na unang deliberasyon pa lamang ng komite at ito rin ang parehong hanay na lumabas sa ikalawang deliberasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.