November 18, idineklarang National day of rage
Kabi-kabilang pagkilos ang isinasagawa sa bahagi ng Quezon City matapos mailibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa Katipunan Avenue sa Quezon City, nag-walkout ang mga estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU) at Miriam College.
Sama-sama silang nangsagawa ng protesta sa kahabaan ng Katipunan Avenue at hiniling sa mga motoristang dumaraan na bumusina bilang pakikiisa sa pagtutol.
WATCH: Protesta ng nga estudyante ng Ateneo – Joan Bondoc/PDI pic.twitter.com/dA6MraRJ3c
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 18, 2016
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 18, 2016
Mga estudyante ng Miriam College, nagsasagawwa ng protesta matapos ang #MarcosBurial sa LNMB ngayong araw. @dzIQ990 pic.twitter.com/jEXZ3qJTmD
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) November 18, 2016
Kaugnay nito, idineklara ng grupong Anakbayan at iba pang youth group ang araw na ito, November 18 bilang National Day of Rage.
Nanawagan si Anakbayan Secretary General Einstein Recedes sa mga pilipino na maglunsad ng malawakang protesta at indignation rally para ipakita ang pagkondena sa pagbibigay ng hero’s burial kay Marcos.
Kinondena ng Anakbayan si Pangulong Duterte sa patagong paglilibing ng dating pangulo, pagbalewala sa mga krimen ng dating diktador at pagbuhay sa mga Marcos.
Ayon kay Recedes, “Hungkag at pawang pambobola ang mga pangako ni Duterte na pagbabago kung mas matimbang para sa kanya ang utang na loob sa kriminal na angkan ng mga Marcos kung ikumpara sa kahilingang hustisya ng mga biktima ng diktadurya,”.
Wala aniya itong ipinagkaiba sa legacy ng mga dating administrasyon nna bigong panagutin ang pamilya marcos sa mga krimen nito laban sa mga pilipino.
Nagbanta rin ang grupo na magdaos ng mga kilos protesta sa mga susunod na araw para patuloy na ipaalam sa lahat ang mga krimen ng dating diktador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.