Marcos, nagnakaw hanggang sa huli – Hontiveros

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Nagnakaw maging hanggang sa huling sandali, o maging hanggang sa kaniyang libing si Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Reaksyon ito ni Senator Risa Hontiveros sa paglilibing ngayong araw kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani na ikinabigla ng marami.

Ayon kay Hontiveros, ang “pekeng hero’s burial” kay Marcos ay maituturing na nakaw na sandali.

“Hanggang dulo, nagnanakaw si Marcos. Ang kanyang pekeng hero’s burial ay isang nakaw na sandal,” sinabi ni Hontiveros.

Samantala, dismayado din si Senator Kiko Pangilinan.

Ani Pangilinan, hindi magreresulta sa closure ang paglibing dahil muli lamang binuksan ng adminsitrasyon at pamilyang Marcos ang mga sugat na dulot ng pang-aabuso, pag-torture, pagpatay at pandarambong noong panahon ng Martial Law.
na isinagawa ng diktadura.

Nakadagdag pa aniya ang pagiging laughingstock ng Pilipinas sa buong mundo dahil ang isang pinatalsik na magnanakaw at diktador ay inilibing sa Libingan ng mga Bayani.

 

Read more...