Apat na domestic flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

NAIA Terminal 3Kanselado na ang apat na biyahe sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific na 5J 821 at 822 Manila-Virac-Manila.

Kanselado na rin ang biyahe ng PAL Express na flight 2P 2079 at 2080 Manila-Catarman-Manila.

Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng kanilang flights.

Sa abiso ng PAGASA, kabilang ang Eastern Visayas at Bicol Region sa makararanas ngayong araw ng malakas na pag-ulan dahil sa Low Pressure Area (LPA).

 

 

 

Read more...