Ayon kay Pangulong Duterte, makakatikim sa kaniya ng lecture ang mga APEC leaders sakaling magkamali ang mga ito na sitahin siya sa magaganap na pulong.
Dagdag pa ng pangulo, nag-praktis na siya sa kung paano niya bibigyan ng lecture ang mga ito tungkol sa “finer points of civilization.”
Paalala pa ng pangulo sa mga leader ng ibang mga bansa, huwag nilang solohin ang kapangyarihan o takutin at tratuhing parang alipin ang Pilipinas dahil wala siyang pakialam sa mga ito.
Mababatid na inuulan ng pagbatikos ang pamamaraan ni Pangulong Duterte sa pagsugpo sa problema ng iligal na droga sa bansa at sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao.
Makakasama ng pangulo sa pulong sina United States President Barack Obama, Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.