Duterte sa APEC leaders: ‘Wag niyo akong pag-kaisahan’

By Kabie Aenlle November 18, 2016 - 04:59 AM

duterte to peru 2Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Asia-Pacific Economic Cooepration (APEC) leaders na huwag siyang pag-kaisahan o pagtulungan sa kanilang magiging pulong sa Peru.

Ayon kay Pangulong Duterte, makakatikim sa kaniya ng lecture ang mga APEC leaders sakaling magkamali ang mga ito na sitahin siya sa magaganap na pulong.

Dagdag pa ng pangulo, nag-praktis na siya sa kung paano niya bibigyan ng lecture ang mga ito tungkol sa “finer points of civilization.”

Paalala pa ng pangulo sa mga leader ng ibang mga bansa, huwag nilang solohin ang kapangyarihan o takutin at tratuhing parang alipin ang Pilipinas dahil wala siyang pakialam sa mga ito.

Mababatid na inuulan ng pagbatikos ang pamamaraan ni Pangulong Duterte sa pagsugpo sa problema ng iligal na droga sa bansa at sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao.

Makakasama ng pangulo sa pulong sina United States President Barack Obama, Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.