Mga nagtuturo sa kinaroroonan ni Ronnie Dayan, dumadagsa na

By Jan Escosio November 18, 2016 - 04:58 AM

Ronnie dayanInuulan naman ngayon ang NBI ng mga impormasyon ukol sa pinagtataguan ni Ronnie Dayan, ang dating driver bodyguard ni Sen. Leila De Lima na kanyang nakarelasyon.

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, ito ay mula nang mag alok ng P1 milyong pabuya para sa ikaka-aresto ni Dayan. Ngunit, sinabi ni Dayan na kailangan din nilang salain ang mga impormasyon.

Naniniwala ito na narito lang sa Pilipinas si Dayan at nagpapalipat lipat lang ng lugar na kanyang pinagtataguan.

Dagdag pa ni Lavin na may tatlo silang tracker teams na nakatutok sa pagtunton kay Dayan.

Nabanggit din nito na nakikipag ugnayan na sila sa Sgt. of Arms ng Kamara para sa pagsasagawa ng joint manhunt operations laban kay Dayan.

Magugunita na ipina-aresto ng kamara si Dayan dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig kaugnay sa Bilibid drug trade kung saan idinadawit si De Lima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.