Dumaraming kaso ng child abuse, ikinabahala ni Duterte

By Kabie Aenlle November 18, 2016 - 04:54 AM

duterte to peruNaaalarma na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata at karahasan laban sa mga kababaihan sa bansa.

Dahil dito, nangako si Pangulong Duterte na gagawa ng hakbang upang mas maprotektahan ang mga kabataan at kababaihan laban sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso.

Nabanggit pa ni Pangulong Duterte ang kaso ng dalawang taong gulang na batang lalaki sa Davao City, na namatay dahil sa panggugulpi ng kaniyang mga tagapangalaga.

Nangako rin si Duterte na bibigyang hustisya ang pagkamatay ng nasabing bata dahil sa pangmamalupit ng kaniyang tagapangalaga na si Sarah Jane Alcain at asawa niyang si Ronilo.

Ayon sa mga ulat, nagalit ang mag-asawa sa bata dahil naihi ito sa kaniyang pantalon, ngunit itinanggi naman nilang pinatay nila ito.

Sila ang nag-aalaga sa bata dahil ang ina nito ay isang overseas Filipino worker na nagtatrabaho sa Middle East.

Ani Duterte, lubhang nakababahala dahil nasawi sa brutal na pamamaraan ang batang wala pang kamuwang-muwang at hindi kayang depensahan ang kaniyang sarili.

Kailangan aniyang may magawa ang pamahalaan tungkol sa mga ganitong kaso, kaya naman pag-uwi niya mula sa Peru ay kakausapin niya agad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.