Notorious pusher sa Sta. Cruz, Maynila, patay sa operasyon ng MPD

By Jong Manlapaz November 18, 2016 - 04:50 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Napatay ng Manila Police District – District Anti Illegal Drugs (MPD-DAID) ang umano’y notorious na pusher sa Sta. Cruz, Maynila bago mag-alas 11:00 kagabi.

Kinilala ni MPD-DAID Chief Insp. Jay Dimaandal ang dalawang napatay na suspek sa alyas na “Muslim” at “Jeffrey”.

Sa kwento ni Dimaandal, nagsagawa sila ng buy bust operation laban sa mga suspek, at nagkasundo ang asset na police at ang mga suspek na sa ilalim sa tunnel ng Mc Arthur bridge sa Sta. Cruz Manila na mag abutan ng pera at ng binibiling shabu na nagkakahalaga ng P1,000.00.

Pero nakatunog umano ang mga suspek na police ang kanilang ka-transaksyon kaya bumunot umano ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Agad naman na gumanti ng putok ang mga pulis na kinasawi ng dalawa.

Walong plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P10,000.00, mark money na P1,000.00 at dalawang .38 caliber ang nakuha sa crime scene.

Ayon kay Dimaandal, big time pusher ang dalawa na nagbabagsak ng shabu sa buong Sta. Cruz, Maynila at kasama sa watchlist ang mga napatay na suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.