Dumating na sa bansa ang umano’y big time drug lord na namamahala sa kalakalan ng iligal na droga sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Ganap na 3:41 ng madaling araw kanina lumapag ang eroplano ni Espinosa sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Una naman nang sinabi ni Philippine National Police Director Gen. Ronald dela Rosa na siya mismo ang susundo, at pasasakayin niya sa kaniyang sasakyan si Espinosa upang matiyak ang kaligtasan nito habang dinadala sa Camp Crame.
Dumating si Dela Rosa sa NAIA-2 dakong alas-2:00 ng madaling araw para tiyakin ang kahigpitan ng seguridad sa paliparan.
Mula pa sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates si Espinosa kung saan siya nahuli at pansamantalang ikinulong matapos maituro ng ilang mga overseas Filipino workers ang kaniyang kinaroroonan.
Inaasahang ididiretso naman si Espinosa sa Camp Crame para isailalim sa booking at iba pang mga kaukulang proseso.
WATCH: Kerwin Espinosa, personal na sinundo ni PNP Chief Bato dela Rosa sa eroplano | @iamruelperez pic.twitter.com/tcWdBGVFGF
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 17, 2016
WATCH: Kerwin Espinosa, nakababa na ng eroplano | @iamruelperez pic.twitter.com/pjMefK811i
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 17, 2016