BOC deputy commissioner, patay sa pananambang

By Alvin Barcelona, Kabie Aenlle November 18, 2016 - 01:04 AM

crime-scene-e1400865926320Nasawi sa pananambang si Bureau of Customs (BOC) deputy commissioner Arturo Lachica, Huwebes ng gabi sa Maynila.

Ayon sa hepe ng Sampaloc police station na si Supt. Aquino Olivar, binaril si Lachica habang nasa kaniyang sasakyan na bumibiyahe sa kahabaan ng España Boulevard.

Nagtamo si Lachica ng dalawang tama ng bala sa dibdib at naisugod pa sa United Doctors Medical Center, ngunit idineklara ring dead on arrival.

Mismong ang kaniyang driver at bodyguard na nakaligtas sa pananambang ang nagbigay sa pulisya ng pagkakakilanlan at impormasyon tungkol kay Lachica.

Ayon sa dalawa, kasama nila si Lachica na nakasakay sa itim na sedan nang bigla silang pagbabarilin ng lalaking nakasakay sa motorsiklo dakong alas-6:50 kagabi.

Nakaupo si Lachica sa likod ng sasakyan, habang katabi ng bodyguard ang driver sa harapan nito.

Pauwi na sana si Lachica sa Quezon City mula sa headquarters ng BOC sa Maynila kung saan may pinuntahan siyang conference.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente at inaalam pa nila ang motibo sa pagpatay kay Lachica.

TAGS: customs deputy commissioner ambush, customs deputy commissioner ambush

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.