Kerwin Espinosa, biyaheng Pilipinas na

kerwin-espinosa-620x349 (1)Nasa biyahe na pabalik ng Pilipinas ang hinihinalang drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa mula Abu Dhabi.

Kabilang sa mga escorts ni Kerwin ay mga miyembro ng Philippine National Police – Anti-Illegal Drugs Group.

Tinakpan ng itim na tela si Kerwin habang papasok sa eroplano at inihiwalay sa iba pang mga pasahero.

Bago pa makapasok sa eroplano, nakita pang nagtaas ng kamay at nag-thumbs up ang nakababatang Espinosa.

Inaasahang lalapag ang sinasakyang eroplano ni Kerwin sa Ninoy Aquino International Airport mamayang alas tres ng madaling araw.

Noong nakaraang Oktubre ay naaresto si Kerwin sa Abu Dhabi matapos ang ilang buwang pagtatago.

Read more...