Kerwin Espinosa aminadong takot na mapunta sa custody ng PNP

By Mariel Cruz November 17, 2016 - 07:34 PM

Kerwin-Espinosa-drug-lord
Inquirer file photo

Natatakot ang umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa na baka patayin din siya ng mga pulis tulad ng ginawa sa kanyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa oras na makabalik siya sa Pilipinas.

Ayon kay dating whistleblower na si Sandra Cam, nanginginig sa takot si Kerwin dahil baka pulis din ang dumali sa kanya.

Maaari aniyang mangyari ito dahil nagawa na sa kanyang ama na mismong sa loob ng kulungan pinatay.

Sinabi pa ni Cam na mas gugustuhin ni Kerwin na hindi mapunta sa kustodiya ng Philippine National Police.

Samantala, sa pagbabalik ni Kerwin sa bansa, inaasahang may mga ibubunyag itong pangalan ng mga drug personalities.

Ayon pa kay Cam, marami nang binanggit na pangalan si Kerwin sa kanya na puro malalaking tao.

Pero ayaw i-preempt ng dating whistleblower ang affidavit ni Kerwin.

Si Cam, na presidente ng Whistleblowers Association of the Philippines ang napaulat na nakapagturo sa kinaroroonan ni Kerwin.

TAGS: albuera, drugs, kerwin espinosa, PNP, albuera, drugs, kerwin espinosa, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.