Duterte: Kakalas na tayo sa ICC

By Den Macaranas November 17, 2016 - 04:01 PM

Duterte Peru2
Inquirer file photo

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-aaralan na niya ang pag-alis ng Pilipinas bilang kasapi sa International Crimal Court (ICC).

Sa kanyang departure speech sa Davao City, sinabi ni Duterte na hind niya gusto ang ginagawang paghihimasok ng ilang mga grupo sa kanyang kampanya kontra sa iligal na droga sa bansa.

“I might follow Russia, Why? Tayo lang maliliit ang binubugbog ng mga walanghiya”, ayon sa pangulo.

Kahapon ay pormal nang kumalas ang Russia sa ICC makaraan silang akusahan ng pagsakop sa Crimea.

Nauna nang sinabi ni ICC Chief Prosecutror Fatou Bensouda na nababahala sila sa tila ay pagkunsinte ng pamahalaang Duterte sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Sinabi ni Duterte na ang mga ganung pahayag ay lalo lamang magpapalakas ng loob para sa mga drug traders na ipagpatuloy ang kanilang iligal na gawain sa bansa at hindi niya ito hahayaang mangyari.

Ang pangulo ay nakatakdang dumalo sa Asis-Pacific Economic Cooperation Summit sa Peru kung saan ay nakatakda rin niyang makapulong si Russian President Vladimir Putin,

TAGS: duterte, ICC, Peru, Putin, Russia, duterte, ICC, Peru, Putin, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.