Mahigit P4M halaga ng relief assistance ipinagkaloob sa halos 2,000 pamilya na nasunugan sa Mandaluyong
Namahagi ng mahigit apat na milyong halaga ng relief assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa halos dalawang libong pamilya na nasunugan sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ng DSWD sa bawat naapektuhang pamilya ang dalawang box ng food packs, dalawang pirasong banig, apat na piraso ng malong at P3,500 na financial assistance.
Sa ngayon, aabot pa rin sa 1,899 na pamilya o 8,265 na indibidwal ang nananatili pa sa dalawang evacuation centers dahil sa malaking sunog sa Barangay Addition Hills.
Ang nasabing sunog ay naganap noong November 14 na ikinasawi ng dalawang katao.
Tumagal ng pitong oras ang sunog na umabot sa general alarm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.