WACKY LEAKS

August 05, 2015 - 07:07 PM

den macaranasTarget ng isang miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino ang kapitolyo ng isang lalawigan sa Central Luzon.

Noong isang linggo ay inipon at kinausap ni Mr. Secretary ang ilang Mayors at Barangay Chairmen mula sa naturang lalawigan at pinag-usapan ang ilang mga maiiinit na isyu na laman ngayon ng mga balita.

Hindi direktang pinag-usapan ang pulitika dahil pinakikiramdaman pa ng kalihim ang galaw ng kanyang mga kaharap na local officials pero batid na ng mga ito na pangarap talaga ng kalihim na maging gobernador ng kanilang lalawigan.

Si Mr. Secretary ang sinasabing nasa likod ng bigong pagpapabagsak sa kasalukuyang Gobernador ng probinsya.

Dating kaibigan ng kalihim ang local official na muntik nang mapatalsik sa pwesto dahil sa pag-ooperate sa kanya ng ilang political minions ng pamahalaan.

Ang kanilang pinag-awayan? Jueteng. Ayon sa ating Cricket, sa mga unang taon sa pwesto ni Mr. Governor ay naging generous sya sa pagbibigay ng “share” para kay Cabinet Secretary.

Pero makalipas ang dalawang taon ay nakalimutan na raw ni Gob. ang kanyang obligasyon sa very powerful na cabinet member.

Ang duda ni Mr. Secretary ay “binubukulan” sya ni Gob. at ibinubulsa ang dapat ay para sa kanya.

Lalong naghinala ang kalihim nang mabalitaan nya na nakabili ng isang malaking bahay sa isang subdivision sa Quezon City ang naturang Gobernador.

Para maiparamdam ang kanyang galit ay kinausap nya ang isang kongresista na kalabang mortal sa pulitika ni Mr. Governor at pinag-planuhan nila kung paano mapapatalsik sa pwesto ang opisyal.

Makaraang mabigo sa kanilang balak nag-desisyon na si Mr. Secretary na tapatan ang pwersa ng kanyang dating kaibigan.

Dito raw magkaka-alaman kung sino talaga ang susuportahan ng mga kilalang gambling lords na nag-ooperate sa kanilang lalawigan.

Ang Cabinet Secretary na gustong kontrolin ang Jueteng sa kanilang lalawigan kaya gustong kumandidato bilang Gobernador ay si Sec. J.P….as in Jueteng Planner

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.