Walong hinihinalang salvage victim, natagpuan sa Makati at Pasay

By Jong Manlapaz November 17, 2016 - 04:35 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Walong biktima ng salvage ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Pasay at Makati na pare-parehong may packaging tape ang mukha at may saksak ng ice pick sa leeg.

Sa gilid ng daan ng Don Carlos Village, Brgy. 190, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na balot ng packaging ang mukha at nakatali ang mga kamay.

Sa kanyang mukha inilagay din ang isang puting papel na may nakasulat na “wag tularan holdaper, adik ini at pusher ini (barker) dili pamarisan ge piste kamo.”

Ayon kay Brgy. 190 Ex-O Jesus Berbers, pasado alas-11:00 ng gabi, isang mangangalakal ng basura ang nakakita sa patay na agad nagsumbong sa barangay.

dead pasay4
Kuha ni Jong Manlapaz

Samantala, tatlong bangkay naman ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Makati.

Dalawa sa Mascardo St., Brgy. Bangkal na halos magkapatong nang makita ng mga opisyal ng barangay na nakahandusay sa gilid ng daan.

Ang dalawang bangkay ng lalaki ay parehong binalutan ng packaging tape ang mukha at nilagyan ng karatula na may nakasulat “Huwag tuluran basagkotse holdaper pusher ako”.

Isang bangkay naman ng lalaki ang nakita sa Morse St. Brgy. San Isidro na may balot din ng transparent plastic at packaging tape ang mukha at may karatulang nakasulat na “Barker na tulak ng druga wag 2laran.”

Ayon sa SOCO ng Southern Police District, bago nila respondehan ang mga bangkay sa Makati at sa Bgy. 190 sa Pasay, may pinuntahan pa silang apat na hinihinalang salvage victim rin sa Brgy. 195 at sa Cuneta Ave., Pasay City pa rin.

Kapwa rin may balot na packaging tape ang mukha at may saksak ng ice pick sa lee gang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.