Kerwin Espinosa, sa Byernes na ibabalik sa bansa

 

Sa araw na ng Biyernes, November 18 darating sa bansa si Kerwin Espinosa, ang itinuturong utak umano ng pagpapakalat ng iligal na droga sa buong Eastern Visayas.

Si Kerwin ang anak ng napatay na alkalde ng Albuera, Leyte na si Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, inaasahang lalapag ang eroplano na sasakyan ni Kerwin mula Abu Dhabi dakong alas-2:00 hanggang ala 3:00 ng madaling-araw.

Si Kerwin aniya ay eescortan nina Chief Supt. Albert Ferro ng PNP Anti-Illegal Drugs Group at iba pang miyembro ng AIDG pabalik ng bansa.

Mula paliparan, dadalhin si Kerwin sa AIDG headquarters sa Camp Crame.

Kasabay nito, tiniyak muli ni Dela Rosa na magiging ligtas si Kerwin habang nasa kustodiya nila.

Read more...