Pres. Duterte, tiwalang magiging patas si Trump sa mga illegal immigrants

By Jay Dones November 17, 2016 - 04:28 AM

 

Mula sa Inquirer.net

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na makakasundo niya si US President-elect Donald Trump.

Ito’y sa kabila ng nauna nitong bansag kay Trump na isang ‘bigot’ dahil sa panukala nito na i-ban ang mga Muslim na makapasok ng Amerika at ang pagtatayo ng pader sa US-Mexican border.

Tiwala si Pangulong DUterte na magiging patas si Trump sa pagtrato sa mga illegal immigrants, partikular sa mga Pinoy na namamalagi sa Amerika ng walang kaukulang legal na dokumento.

Giit ni Duterte, hindi niya maaring panghimasukan ang isyu ng mga illegal immigrants sa Amerika dahil ang ‘iligal ay mananatiling iligal’.

Matatandaang isa sa mga ipinangako ni Trump sa oras na siya ang manalo sa US elections ay ang pagpapadeport ng hanggang tatlong milyong illegal immigrants.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa mahigit 271,000 Pilipino ang maituturing na illegal immigrants sa naturang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.