Pilipinas, opisyal na host ng Miss Universe sa susunod na taon
Opisyal nang inilunsad ang gagawing pag-host ng Pilipinas sa ika-65th Miss Universe Pageant.
Ito ay matapos na lagdaan ang kontrata ni Miss Universe Organization Vice President Shawn McClain sa ginanap na signing ceremony sa Makati Shangri-la Hotel kagabi.
Kasabay nito, ay inilunsad na rin ang official website ng nasabing pageant.
Opisyal na ring inanunsyo ang lugar ng coronation night ng beauty contest sa January 30, 2017, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito na ang pangatlong beses na magho-host ang Pilipinas ng prestihiyosong beauty pageant na Miss Universe mula noong 1994.
Samantala, sinimulan na ang countdown para sa inaabangang big event sa bansa sa unang bahagi ng susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.