Witness Protection Program bukas kina Espinosa, Dayan kung ididiin si De Lima-Aguirre

 

Bukas ang Witness Protection Program ng Department of Justice para kay suspected drug lord Kerwin Espinosa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ito ay kung makikipagtulungan si Espinosa sa pamahalaan para mapalakas pa ang pagsasampa ng kaso laban kay Senador Leila de Lima at iba pang opisyal ng pamahalaan na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Ayon kay Aguirre, nagpadala na siya ng liham kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa para mabigyan ng tulong ng National Bureau of Investigation at masigurong ligtas si Espinosa.

Inaasahang darating si Espinosa sa bansa Byernes ng madaling-araw mula Abu Dhabi.

Ayon kay Aguirre, hindi lang kay Espinosa bukas ang WPP kundi maging sa dating driver bodyguard at nakarelasyon ni De Lima.

Una rito, sinabi ni Aguirre na kinakanlong ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan si Dayan at nagtatago sa kanyang hometown sa Pangasinan at iba pang bahagi ng Northern Luzon.

Read more...