LP, tinatangka umanong monopolahin ang liderato sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali November 17, 2016 - 03:00 AM

 

Edcel-LagmanNaniniwala ang House Minority Group na ang Liberal Party o LP ay nagtatangkang monopolahin ang Liderato ng Kamara.

Ito’y kasunod ng paghahain ng Magnificent 7 o grupo nina Albay Rep. Edcel Lagman at Ifugao Rep. Teddy Baguilat ng petition for mandamus sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa Minority leadership ngayong 17th Congress.

Sa isang pulong balitaan, binasa ni Buhay PL Rep. Lito Atienza ang statement ni House Minority Leader Danilo Suarez na nagsasabing halata raw ang intensyon ng partido Liberal na makontrol ang House Leadership.

Ayon kay Suarez, marami sa mga LP Congressmen ay sumapi na sa Supermajority, na hawak ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang Magnificent 7 naman nina Lagman at Baguilat, na mga LP solons din, ay naghahangad pang makuha ang minorya sa Kapulungan.

Ani Suarez, masyadong arogante ang asta ng LP Congressmen lalo na ang mga taga-Magnificent 7, at ngayon ay kitang-kita na ang kanilang tunay na karakter.

Binigyang-diin pa ni Suarez, walang dapat kwestyon sa anuman ang kanilang posisyon sa polisiya ng Duterte administration.

Giit pa nito, ang House Minority ay constructive minority, na kakatig sa ano ang tama habang itatama naman ang mali sa pamahalaan.

Sa kabila nito, umaasa ang grupo ni Suarez na sa paghahain ng Magnificent 7 ng petisyon sa Supreme Court ay matutuldukan na rin ang usapin sa House Minority.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.