Isang Pinoy na bihag ng ASG, pinalaya sa Sulu

sulu map

Isang pinoy na bihag ang pinalaya ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu. Ayon sa inisyal na impormasyon ng Radyo Inquirer nabatid na pinalaya si Elmer Ybanez Romoc sa isang hindi binanggit na lugar sa bayan ng Jolo sa Sulu. Ito ayon sa source ay matapos magbayad ng isang milyong pisong ransom ng asawa nito. Nabatid na matapos mapalaya ay isinakay ng barko ang biktima patungo ng Zamboanga City saka itinurn over sa kanyang pamilya. Isinailalim na rin sa medical check up ang nasabing biktima na ilang buwan din bihag ng bandidong grupo. Gayunman, bihag pa rin ng Abu Sayyaf ang anak ni Romoc na si Rexon. Napag-alamang humihingi ng ibang ransom money ang ASG para sa kalayaan ng anak nito. Binihag ang mag-ama noong ika-5 ng Agosto, 2016 sa Barangay Kulisap Payao Zambuanga Sibugay ng grupo ni ASG sub-leader Raden Abu.

Read more...