DOJ: “Ombudsman mabagal sa kaso ni De Lima”

By Chona Yu November 16, 2016 - 05:21 PM

conchita-carpio-morales
Inquirer file photo

Malaking palaisipan sa Department of Justice ang hindi pa pagsasama ng Office of the Ombudsman ng kaso laban kay Senador Leila de lima.

Ito ay kahit na may nakalap ng sapat na ebidensya ang DOJ na mag-uugnay kay De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may probable cause na upang ma-asunto si De lima sa gitna ng mga testimonial evidence na nagdidiin sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.

Aminado si Aguirre, tali ang kanilang mga kamay para umusad ang posibleng kasong kaharapin ni De Lima.

Sa ngayon aniya ay nasa Ombudsman na ang bola.

Wala aniya silang magagawa kundi ang magsagawa ng sariling preliminary investigation at mula doon ay isumite ang findings sa Ombudsman.

Pero ang Ombudsman pa rin aniya ang may kapangyarihan kung nais nitong silipin ang kanilang findings sa pag-asang masiyasat ang alegasyon sa senadora.

TAGS: aguirre, dayan, de lima, drugs, Morales, ombudsman, aguirre, dayan, de lima, drugs, Morales, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.