De Lima ipinahamak ng bawal na relasyon ayon sa isang kongresista

By Isa Avendaño-Umali November 16, 2016 - 04:40 PM

Alfredo Garbin
Photo: Ako Bicol Partylist

Maaaring ma-disbar sa pagka-abogado si Senadora Leila de Lima dahil sa pag-amin nito ng pagkakaroon ng relasyon sa dati nitong driver na si Ronnie Dayan.

Sinabi ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, miyembro ng House minority bloc na bagaman ayaw niya mag-conclude sa sitwasyon ni De Lima ay marami na aniyang kaso ng mga abogadong na-disbar o na-expel dahil sa pagkakaroon ng illicit affair.

Para pa kay Garbin, may basehan na ang mga isyu ng imoralidad laban kay De Lima dahil batid din na may asawa si Dayan.

Sa panig naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na lider din ng Minorya sa Kamara, malaki ang implikasyon sa pagiging mambabatas ni De Lima dahil bukod sa may asawa si Dayan ay tauhan pa niya ito.

May mga duda na rin aniya sa kredibilidad ng senadora dahil itinatanggi niya noong una ang relasyon kay Dayan.

Sinabi ni Atienza na mistulang totoo ang sinasabi ng drug lords na nag-uugnay kay Dayan kay De Lima maging sa pera at droga sa New Bilibid Prisons o NBP.

TAGS: ako bicol, dayan, de lima, garbin, ako bicol, dayan, de lima, garbin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.