Dagdag-pasahe sa LRT line 1, inamin ng DOTC na nakalagay sa kontrata ng pamahalaan sa MPIC-Ayala Consortium

August 05, 2015 - 04:08 PM

lrt
Inquirer file photo

Inamin ni Department of Transportation and Communications Undersecretary Jose Lotilla na nakasaad sa kontrata ng LRT-L1 sa MPIC-Ayala Consortium na magkakaroon ng pagtaas sa pamasahe kada dalawang taon, at limang porsyento bawat taon.

Ang pag-amin ay ginawa ni Lotilla sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development sa pagtatanong ng mga kongresista sa pangunguna ni Rep. Neri Colmenares.

Gayunman, sinabi ni Lotilla na wala pang katiyakan kung matutuloy ang nakaumang na  taas-pasahe sa Light Rail Transit o LRT-L1.

Ipinaliwanag ni Lotilla na ang probisyong ito ay batay sa assumption na kung hindi naman mangyayari ay may prerogative ang gobyerno na huwag ipatupad ang fare increase.

Dismayado naman sina Colmenares, Representatives Samuel Pagdilao at Jonathan dela Cruz sa mga pahayag ni Lotilla dahil tila lumalabas daw na itinali na ng gobyerno ang karapatan ng publiko na tumutol at harangin ang fare hike sa LRT-L1.

Ani Colmenares, mistulang binigyan din ng lisensya ang operator ng LRT-L1 na magtaas pa ng pasahe, kahit isang bilyon na ang kinikita nito.

Inatasan naman ng House Committee on Metro Manila Development si Lotilla na magsumite ng kopya ng kontrata ng LRT-L1 sa lalong madaling panahon upang ito’y mapag-aralan. / Isa Avendaño-Umali

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.