Mga pinagpipilian na magiging Justices ng SC sumalang sa public interview

November 16, 2016 - 03:49 PM

supreme-court
Inquirer file photo

Sumasalang ngayon sa public interview ng Judicial and Bar Council ang mga aplikante para sa dalawang mababakanteng pwesto sa Korte Suprema.

Unang sumalang sa pagtatanong ng JBC si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta kaninang umaga kung saan ibinida nito ang kanyang kredebilidad para maikonsiderang maging susunod na Associate Justice ng SC.

Idinitalye nito ang kanyang serbisyo sa publiko sa mahihirap at ipinagmalaki ang kanyang integridad at ang pagiging independent.

Tinanong ng mga miyembro ng JBC si Acosta sa posisyon nito sa isyu ng extra judicial killings (EJK) at ayon sa PAO Chief Kapag malinaw na EJK ang isang kaso ay dapat na ituloy ang asunto subalit hindi naman anya lahat ng nangyayaring patayan sa bansa ay dapat ituring na EJK.

Nagpahayag din ito ng pagpabor sa Paglilibing kay Dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sumalang din sa panggigisa ng JBC panel kanina sina CEU Law Dean Rita Linda Ventura-Jimeno, RTC Judge Rowena Apao-Adlawan at Court of Appeals Justice Japar Dimaampao.

Tinatanong naman ngayong hapon sina Sandiganbayan Justice Samuel Martires, at Chief State Counsel Ricardo Paras.

Ang dalawang mapipili ay papalit sa babakantehing pwesto sa SC nina Justices Jose Perez at Arturo Brion na magreretiro sa December 14 at December 29 ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.