Ronnie Dayan protektado ng ilang opisyal ng gobyerno ayon sa DOJ

By Chona Yu November 16, 2016 - 03:22 PM

Aguirre
Inquirer file photo

Pinoprotektahan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan ang dating driver, bodyguard at lover ni Senador Leila De Lima na si Ronnie Dayan.

Sa pulong balitaan sa malakanyang, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na base sa nakakalap nilang impormasyon ay nagtatago si Dayan sa lalawigan ng Pangasinan at sa mga kalapit na probinsya hanggang sa may bahagi ng Baguio City.

Dagdag ni Aguirre, nagpapalipat lipat lamang ng lugar si Dayan.

Kasabay nito, umaasa si Aguirre na makatutulong ang isang milyong pisong pabuya ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para mahanap ang nasbaing personalidad.

Si Dayan ang umano’y bagman ni De Lima sa mga druglord sa New Bilibid Prisons (NBP)..

Sinasabing ginamit umano ng mambabatas ang nakolektang drug money para pondohan ang kanyang kandidatura sa katatapos na may 2016 national elections.

TAGS: aguirre, de lima, Justice, ronnie dayan, aguirre, de lima, Justice, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.