Sinaksak umano ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong Setyembre para hindi siya makatestigo laban kay Senator Leila de Lima.
Sa pagdinig sa kamara, sinabi ni P/Supt. Francisco Ebreo ng PNP-CIDG, batay sa testimonya ng presong sumaksak kay Sebastian na si Tomas Doniña, isang dati umano niyang kasamahan sa Philippine Navy ang nag-utos sa kaniya na atakihin si Sebastian.
Ani Ebreo sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Justice, nakasaad sa sworn statement ni Doniña na inatasan siyang gawan ng paraan upang mapatahimik si Sebastian at hindi makapagsalita laban kay De Lima sa pagidinig ng kamara noong Oktubre.
Hindi naman binanggit ni Ebreo sa pagdinig kung natukoy na ba nila kung sino ang navy official na binabanggit ni Doniña.
Ang saksakan sa Bilibid ay naganap noong September 28 na ikinasugat ni Sebastian, Peter Co, a Vicente Sy at ikinasawi ni Tony Co.