MMDA may abiso sa mga motorista sa parada para kay Miss International 2016 Kylie Verzosa sa Biyernes

MMDA Advisory
MMDA Advisory

Isang parada ang isasagawa para kay Miss International 2016 Kylie Verzosa sa Biyernes, November 18, 2016 sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gaganapin ang parada sa Araneta Center complex ganap na alas 4:00 ng hapon.

Dahil dito, ngayon pa lamang ay pinapayuhan na ang mga motorista na iwasan muna nadumaan sa mga lansangan sa palibot ng Araneta Center sa nabanggit na araw at oras.

Narito ang magiging ruta ng parade:

-Magsisimula sa Novotel Hotel
-kanan sa Gen. McArthur
-kanan sa Edsa
-kanan sa Aguinaldo
-kaliwa sa McArthur
-kanan sa Romulo
-kanan sa P. Tuazon
-kanan sa Time Square
-kaliwa sa Gen. McArthur
-kanan sa Araneta
-kanan sa Roxas
-kanan sa Aguinaldo
-pabalik ng Novotel

Ayon sa MMDA, tiyak nang magdudulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasabing parada sa mga nabanggit na lansangan kaya mabuting maghanap na lang ng ibang alternatibong ruta ang mga motorista.

Read more...