Bakal at tubong lumutang sa baybayin ng Zambales, hinihinalang mula sa reclamation site ng China sa West Philippine Sea

zambales floating boom
Inquirer file photo

Patuloy na inaalam ng Philippine Coast Guard (PCG) kung saan nagmula at kung sino ang nagmamay-ari ng dambuhalang ‘oil containment boom’ na may mga Chinese marking na napadpad sa baybayin ng Zambales.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, nagsasagawa na sila pagkukumpara sa mga litrato na mula sa available images mula sa reclamation site na China sa West Philippine Sea sa hangad na matukoy ang pinagmulan ng floating boom.

Isa lamang ito sa mga posibilidad, paglilinaw ni Balilo.

Nauna nang sinabi ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane na ang floating boom ay posibleng galing sa reclamation site ng China sa Spratly Islands at napadpad lamang sa Zambales dahil sa hanging habagat.

Ipinauubaya naman ng PCG sa pamahalaang panlalawigan ng Zambales ang kustodiya sa floating boom na napagkalas-kalas na.

Ang nasabing kagamitan na pinaniniwalaang ginagamit din sa dredging activities ay natagpuan sa mga baybayin ng Brgy San Agustin, Brgy Sto Rosario at Bayan ng Masinloc nuong nakalipas na linggo.

Nauna nang sinabi ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane na ang floating boom ay posibleng galing sa reclamation site ng China sa Spratly Islands at napadpad lamang sa Zambales dahil sa hanging habagat./ Ricky Brozas

 

Read more...